The following events takes place between 3.30 pm and 9.00 pm (naks! parang 24)
Anong oras na, 3.30 na, gumalaw ka na at may hahanapin ka pang kwintas ni Darna. Tama na ang pakikipag chat sa mga pards mo sa BML. Galaw na. Ligo. Bihis. Paalam ka muna sa mga ka chat mo. Ayun, update raw sabi ni rona, ok sige update. Labas ng room, lock ang pinto, punta sa elevator, pindutin ang down button, antay sa elevator, ayan na, sakay na pababa, labas sa main dorm ng room, tingin kung umuulan, tama, ambon lang na maliit ang patak, kayang magbike papunta sa night market na malapit sa main gate ng university. Kalas ng kandado sa bike, sakay, pedal lang ng pedal hanggang makarating sa paradahan ng mga bike sa main gate.
3.50 p.m. na, ayan, nakarating din sa pupuntahan, ikandado ang bike. Lakad papunta sa kabilang daan sa pamamagitan ng underpass. Hay, nakarating din sa dapat puntahan. kailangan kong hanapin ang mga silvershop na nagkalat. Lakad sa kahabaan ng night market. Ay eto, tingin sa silver shop ng necklace na maganda, hhmm…
Olof: duo shao chien (ungas, lakasan mo boses mo di ka naintindihan nung tindera)… How much is this (ayan narinig ka nung tindera)…
Tindera: 390NT$
Ok, abot kaya, kaso di makintab yung pwet ng baso na nakakabit.
Olof: I’ll just comeback… (balikan ko na lang, da usual na sabi ng pinoy pag window shopping)
Lakad pa, dami naman silvershop dyan. Eto kaya, tingnan ko. Hmp, walang magandang design. Lakad pa. Ayun, mukhang may maganda dun. Tingin, hanggang sa mapansin ako nung tindera na maganda. Hhmm, ayos mga design nila. Chinechekwa ako, di ko maintindihan. Pumasok na lang kaya ako at nang makita ang ibang design. Pagpasok ko ayos ang mga design ng mga earrings, pendants, bracelets at necklaces nila. Tingin ako. Ikot ng 360 degrees ang ulo ko para makita ko ang hinahanap ko. Hhmm, ayun, ayos yung isang maliit na pendant, pwet ng baso pa rin kaso mas makintab naman ang pagkakapolish kesa dun sa nauna. Chinechekwa ako nung tindera, parang gusto sabihin eh kunin mo yan, maganda yan.
Olof: I’ll buy this one (ayan, naintindihan naman ako)
Kuha ng caculator si ate, 590 NT$ raw, multiply by 0.15, ayos, may discount ako na 15%. Hehe. Ayun, nilagay ni ateng maganda na tindera sa box na maliit. Di mailagay, tinuro pa ni kuyang tindera na kasama nya. Pero napansin ko mukhang maikli yung necklace.
Olof: Can you make this longer? (sabay turo sa kwintas ang sensyas sa kanya na pahabain nya)
Akala ni kuya mahabang slim box ang kailangan ko kaya tinuro yung box na mahaba pero manipis. Then inulit ko ang senyas ko. Nagkaintindihan na kami. Habang pinahahaba ni ateng tinderang maganda ang kwintas, tingin tingin ako. Something caught my eye, ayun isang pendant na hugis isda, pero hati, isang silver at isang gold. Hhmm, ayos to ah. tingin sa price, ba, ok ha. Senyas ko kay ateng tinderang maganda na kunin ko din yun. Dalawang kwintas na maganda, not bad. Yung isa eh saka ko ibibigay, tapos yung hugis isda bigay ko ngayon. Kuha ulit ni ateng tinderang maganda ang calculator at compute nya ang total price. Pumatak ng 833NT$. Not bad.
Ok, layas na sa tindahan. iniisip ko pa ang mas magandang combo gift. Hhmm, ok siguro yung maliit na teddy bear by Hallmark. Lakad papuntang Eslite bookstore, pasok, punta sa novelty items. Ayun, ok yung isang teddy bear na yun ah. Tingin sa price. Ok, can afford, saka tama lang sa tema (naks! may theme theme pa ako na nalalaman). Bayad sa counter. Labas. 4.29 pm na. Yari ka na Olof! Tawid ulit. punta sa bike, pauwi ng dorm. pedal lang ng pedal. Ayan, nakarating na din sa dorm. buksan ang paperbag, isabit ang kwintas sa leeg ni teddy bear (di pa ako nakakaisip ng pangalan para sa kanya as of presstime, hihi), lagay ulit sa paper bag. Labas ng room, punta sa baba, tingin sa wall clock ng front desk, 4.50 na. Yari, kailangan ko nang tumawag at sabihin na malelate ako ng ilang minuto. Tawid. Lakad sa sidewalk papuntang MRT station, bunot sa cellphone, dial ang number nya. Nakupo! Bakit ayaw yatang magconnect. Baka walang signal or low battery (pinoy nga ako sa iniisip kong dahilan kung bakit ayaw makakonek). Lakad, tawid, ayan na nasa MRT station na. Labas ang school ID, kasi yun ang pamasahe mo. Sakay, ayan, tawag ulit habang nasa tren. Ayaw pa rin. Nevermind na lang, malapit lang naman na ako. Biglang vibrate ang telepono sa bulsa ko. Nakupo! sya nawa ang tumatawag. nakakahiya. Flip open ang cellphone…
Olof: Hello…
Katie: Where are you? You’re late for the second time. (yari ka! late ka na naman daw)
Olof: Sorry, I just picked up a few things. I’m already on my way.
Katie: Where are you now? (yan nagpalate ka kasi Olof!)
Olof: I’m already here at Daan Station. I’ll see you at the station.
Katie: Ok, see you, bye.
Patay, late for the second time. Kakahiya. hmp, yaan mo na, may gift naman ako sa kanya. Makakarating din naman ako sa paroroonan.
After a few minutes… ayan nasa station na. Baba sa exit. Ayun nagaantay na sya.
Katie: Let’s take the bus.
Olof: Ok.
Habang naglalakad papunta sa bus stop….
Olof: So how was your day?
Katie: Good, just like yours.
Ok, hindi galit. Ayan na yung bus na sasakyan namin papunta dun sa tutyal na mall. Pagkasakay sa bus…
Katie: This is for you (sabay abot ng paper bag), Chinese New Year Gift. It’s a calendar.
Olof: Oh, thank you very much. That’s nice of you. (twisted, unexpected na meron pala akong gift sa kanya. ayos, i appreciate it.)
Sakay sa bus, baba sa tamang babaan. Tawid sa daan, punta sa mall. Di makita ang resto na gusto nyang puntahan. Tanong sa isang tindera, in chekwa op kors. Ayun, tinuro at nakita naman namin. Upo, sabay basa ng menu. di ko maintindihan kasi chekwa ang sulat. Pero affordable naman ang price. Siya na pinag order ko. ok lang naman sa akin. Tinawag ang waiter, sinabi ang order. Ok, umalis ang waiter. Usap ng kaunti…
Olof: Oh, I almost forgot, this is for you (sabay ang abot ng paperbag, ganda ng reaction nya, priceless). Open it up.
Katie: (binubuksan ang paperbag, nakita ang nasa loob) Oh, but you already gave me a teddy bear, why do you keep giving me like this (nagsasalita habang nakasmile).
Olof: No, that’s a different one. (ayan, napansin na din ang kwintas. mukhang ok lang sa kanya. ayan nakita na, kaso binalik yung teddy bear sa loob ng paper bag)
Katie: Thank you, i appreciate it.
Dumating ang order, at eto ang mga inorder:
Elongated rice sautéed in butter with carrots, beaten eggs, garlic, green peas and small shrimp (sinangag na kanin, tutyal version)
Egg congee, Hong Kong style (congee talaga)
Powdered radish deep fried in first class vegetable oil (tikoy, di ko malaman kung bakit radish raw)
Ground glutinous rice rolls (malagkit, di nga lang matamis)
Ground glutinous rice with a filling of deep fried flour batter (parang malagkit din, kaso sa gitna eh parang espongha na pinirito)
Hot Soybean milk with a taste of almond and with soybean curds (taho na sinabawan, may almond flavor lang para matamis)
Habang kumakain, tinawag nya ang waiter at nagchekwa. umalis ang waiter at bumalik na may dalang isang papel. Order slip ng special tikoy ng resto, sinulat ang details kung kelan nya kukunin ang order. Natapos kami kumain. Di ako masyado nakakain kasi mataas ang adrenaline ko sa katawan, di ko alam kung bakit. May nararamdaman na naman ako na kakaiba. Inabot ng waiter ang order slip namin, nakakabit dun ang order, tinignan ko, 3 klase ng tikoy ang nasa checklist.
Olof: Do i also have to pay for this (sabay turo sa checklist na finil apan nya)
Katie: Yes (nak ng tinapang tipaklong! pati special order nya eh ako magbabayad? at this moment i am still hoping na sya ang magbabayad)
Punta ako sa counter. Ampoo poo naman! Isinama nga sa bill ko yung inorder na special tikoy na kukunin sa February! Umabot ng lagpas 1000NT$ ang special tikoy na yan! Tuloyang bill ko eh lagpas 2000NT$. Nak nang tipaklong! Dis is da pers taym na lagpas 2kiyaw ang bill sa isang date! Walang hiyang tikoy yan!
Sinabi ko sa kanya…
Olof: So you’re going to get your order on February right?
Katie: Yes, its not yet available as of this time (tanga mo naman, parang gusto nyang sabihin), and I am going to pay it when I get it.
Olof: But they already included it on my bill. (langya, i am hoping na babayaran mo ako ngayon. sige na please. please pay me up)
Katie: Ok. (patay na! wala na akong mababawi dito! sana na lang sabihin nya eh ang isa dun sa mga special tikoy eh galing sa akin)
Lakad papuntang subway station. Wala akong ibang maisip, twisted na naman ang sitwasyon, maayos na naman sana. 2nd twist na ito. kung pede lang magmura ng malakas dat taym ginawa ko na. pero dito na lang. P***** **A!!!! Ano ba meron sa babaita na ito! Sakay sa subway, kwentuhan para malibang ang isip. Ok, nakarating sa station nya. Kwentuhan while walking her home. Ayan, nasa tapat na kami ng pintuan ng kanyang apartment building.
Olof: Thanks for the time tonight, goodbye and I love you. (naks, di talaga mawawala ang I lab u bago magkahiwalay!)
Katie: Ok. Goodluck on your exam tomorrow. Bye.
Olof: Thanks. Bye. (sabay wave ng babay)
Lakad patungong subway station ulit. nanlulumo ako. walang hiya, nadale ako sa tikoy. Makikinig na lang ako mp3 player ko. Sakay sa tren, upo, listen to music. Di ko talaga matanggal sa isip ko yang tikoy na yan at kung ano pakay nya sa akin. Hmp. Ayan, nasa transfer station na ako, lipat ng line ng tren, pauwi ng dorm. Nakarating din sa dorm. Binunot ko ang cellphone sa bulsa ko para tawagan sya. Ring lang ng ring. baka nagshower. try ako ulit, wala pa rin. Apat na beses. Wala. ayaw na yata makipag usap sa akin. 5th time, ayan, nagriring….
Katie: Wei? (hay salamat, sinagot din… wei is hello ng mga chekwa sa telepono)
Olof: Hi. I’m home.
Katie: Ok, good. (cut ka na naman sa gusto mong sabihin)
Olof: Just want to say that I hope you appreciate the necklace that I gave you. Uhm, its my proof that I do love you and everything I say. I chose the necklace to it’ll be close to your heart (nak ng tinapang tipaklong! deadly weapon sa mga linya!!!) and its a sort of a shape of a fish. I chose the that design because everytime you wear that, it’ll remind you of me. (swabehhh!)
Katie: Yes, thank you. But I can’t wear it everyday with something gold on it because my skin’s sensitive…. (wat da tetra pak did you just say???)
Olof: Uhm, its not real gold, just a…..
Katie: Yes, but i can’t wear it all the time.
Olof: Ok, but i hope you do wear it sometime. Anyway, its one way to show to you that I am true to my words and I lab you…(hayop na naman sa linya!!!) uhm maybe I’ll just see you on friday, i’ve got an exam tomorrow.
Katie: Ok. See you. Bye.
Olof: Ok. Bye. I love you.
3rd twist of the night! Wat da pak just happened to me. Tinimbang ba ako ngunit kulang kaya ako nagkakaganito! Hayuuuupppp!!!! Sheet! Jazkol! Kulang lang yata ako sa espirito ng alak at nagkakaungas ungas na naman ang buhay ko. Di ko malubos na maisip. Bakit nagkaganun. Tsk. Kahindikhindik talaga ito. Hay, tulog ko lang siguro ito, na sana eh ayos ang lahat. Siguro lie low muna ako, di muna magpaparamdam sa mga susunod na araw. Hay. Ewan. Bahala na. Bast isang malaking EWAN ko. Tsk. Twisted nga naman ang lahat.
Naalala ko tuloy ang mga Pinoy movies and telenovela, na may eksena na naaksidente ang mga karakter, at 50-50 ang buhay. Lalapitan nang doktor ang pamilya ng pasyente at sasabihin na “Misis, ang mister nyo po ay 50-50 ang lagay”. At ang usual na reaksyon nang nauukol ay di malaman kung ano ang gagawin. Pero ang totoo nun, sa realidad, di mo talaga maiisip kung ano ang magiging reaksyon mo sa sinabi sa iyo. Di mo alam kung aasa ka pa o tatanggapin na lang kung ano man ang kahihinatnan ng sitwasyon.
Ganyan din ang nangyari sa akin kanikanina lang. After noong nangyari nung Sabado sa pagitan naming dalawa ni Katie, nalaman ko din ang dahilan kung bakit ako nag antay sa labas ng 4 na oras at wala din naman palang pinuntahan ang aking pag aantay.
I finally got the chance to talk to Katie this morning, since I saw her online. I never wasted any time and I immediately messaged her. I asked kung ano ba talaga nangyari last Saturday. Of course, the usual, di kaagad nagrereply. I was already my name was blocked already sa skype nya. But then, nagreply din. She said that she LOST her cellphone that day. I said that I waited for her for 4 hours. She said sorry, but I said I cannot accept her sorry for what she did was unforgivable unless, I said that she work out something so that I could forgive her. So she said she wants to meet me so that we could talk. Negotiations went underway since the scars of the past week is still in me until we agreed where and what time to meet. Starbucks raw sa Taipei Main Station at 2.30 p.m.
So I went. Of course, I am early again, about 10 minutes early. But anyway, she came on time. So she ordered her coffee first, which of course me, I can’t since I am was never a big fan of Starbucks. Then we talked. Pambungad ko agad is “please explain what happened last Saturday” and she said na “I lost my cellphone”. I don’t know if I am going to believe her or not. But then, as we talked further, it came to the point that she said “let’s just be friends” which I countered “why? is that what you want? I don’t want to because I do love you”. But she said, “It’s because we’re not suited for each other”. I was silent for a moment. Thought that for a moment and then I said to her: “It’s just you don’t understand me a little bit more and be a bit sensitive to me.” Sabi nya, “But I don’t want to change, why, do you want to change?” I said “change is good one way or the other”.
“I have also a complain to you” she said. ”What is it?” I asked. ”You always complain” she blurted out. “I do complain because I do not want such situations that could hurt me, that’s why I complain”, I said. Then the couple stuff finally came out. She said to me “you never gave me what I want”. I was expecting this so I said, “I promised you to give what you want when time comes, it’s not easy to give what you want, its not just with a flick of my fingers its there”. A bit long silence came after that. Then I said to her, on May, I am planning to give you what you want. No response. I continued, “we should spend more time together”. “But we don’t have time for each other, I am going for a business trip for two months”. “Where?” I asked. “Canada” she replied. Then I asked when will she be leaving. April 9. Then she stood up, leaving, I followed. While walking, I asked her, “Is this a breakup already”? Her reply was: “I don’t know, its up to you”. End of story. That was the last moment I saw her, walking towards the entrance of the train station.
What was discussed between us, honestly, it hurts. Knowing that she’ll be leaving for two months totally hurts. And the problem that I am facing now is whether to quit or not to. I know for myself that I do my best before quitting or giving up. I don’t give up easily on one thing, especially if I really know there’s still I can do. But now, I only know 50-50 of things which makes me more confused. I don’t know whether to give it up and cut it all the way or stay.
The first situation is, I won’t give up, give her what she wants sooner as long as my financial capability allows me so, and do such thing before she leaves. The second situation is, see her before she goes to Canada, spend time with her and promise her that when she comes back, the couple stuff she wants will be there, waiting for her. The downside of the two situations is, what if she comes back here, and then she doesn’t recognize our relationship anymore. This downside of things makes the second one too risky. I don’t want to waste such amount of fortune when in the end it goes down to nothing.
To wrap it up, with all the things that happened in here, I only ended up in pain and now I am broken. I already broke because of the several things that has happened to me since I met her. But, I didn’t give up easily since I was hoping, up until now, somewhere or somehow, there are still positive things that could happen. Even if I have to feel pain through all this but knowing everything will turn out well, I am willing to do it. But the problem now is, things are in a 50-50 situation. Confusing for me on what should I do now. Eto ang drawback ng isang sigurista.
So, kayo na mambabasa ko, ano ang maipapayo nyo? I need your advice on this one for really, I am confused.
2 Comments
Posted in Jazkol!, Message Sending Failed | Tags: comments needed, Filipino in Taiwan, heartbreak, Love, Pinoy stories, suggestions, Taiwan