Tingin sa relo ng cellphone, 4.45 pm. Ayos, hindi ako malelate this time for a date. andito naman na ako sa station and within 10 minits andun na ako sa station ng workplace nya. Ako naman ang nagaya sa date na ito kaya di dapat ako malate. pero anyway, the usual ko na itong oras lagi para di malate. isolated cases lang naman yung dalawang late ko. Ayan na yung tren, makasakay na nga. Ano na naman kaya meron sa date na ito, wat wud be for me tonight. Bahala na. Ayan, nasa station na nya ako. Lakad papunta sa exit. Tingin sa cellphone, 4.55 pm. Ayos, 5 minits early. Tawagan ko na nga siya, asan ba yung name nya sa dialled numbers, ayan, nagriring na, pero as usual di sinasagot agad. 4 na ring na. Ayan, sinagot na…
Katie: Wei…. (the usual na bati, kahit alam nya na ako tumatawag)
Olof: Hi, i’m here at the station now…. (at nauna ako sa iyo, hihi)
Katie: Ok, give me 5 minutes.
Olof: Ok, i’ll just wait for you here.
Katie: Ok, bye.
Olof: Ok, bye, I love you. (click. binaba agad. muntikan ko pa di masabi na i lab u)
Ok, 5 minits raw, antay lang Olof. dati na yung nagaantay ka ng 5 minits lang talaga. may cases din naman sya na nagaantay ka ng 10-15 minits. Da worse yung 30 minits. Pero ok lang yun. Lab ko naman talaga sya eh. Ay, ayan na sya, reconizable kahit malayo. Nasanay na talaga ako sa mga mukha ng chekwa kahit pare pareho silang singkit.
Olof: Hi… (sabay wave)
Katie: Hi. (ngiti nyang nakakalusaw, nalulusaw ako!)
Olof: How was your day?
Katie: My day was good. Work was fine. (lagi mo naman sagot yan eh, pero sige tama yan, ipagpatuloy) How about you? Olof: Doing fine too, nothing much new over my studies.
Katie: That’s good. (sabay kapit sa aking elbow. WAW! dis is da pers tym na ginawa mo sa akin ito! im flattered!)
Sakay kami ulit sa MRT papunta sa isang lugar na maraming resto. Ayan, nakarating din. dami nga naman resto na parang tutyalin ang ambyans, Italyanini resto raw gusto nya kainan. Ayun. Nakita ko din ang resto na gusto namin puntahan. Pasok. Upo. Tingin sa menu na binigay ng waiter. Hhmm, ah eto, masarap ito, parang Sbarro. Ito nga kunin ko. da usual, sya kausap ng waiter, chekwaan sila. buti na lang may kasamang inggla ang menu. Ayan, nasabi ko naman gusto ko na order. Antay na lang na dumating. Usap muna kami.
Olof: Are you going home to Taichung this weekend? (taga taichung kasi ito)
Katie: No, but i’m going to Taoyuan to my grandma’s place, but my mom will be there too.
Olof: Ok. Taoyuan’s not far from Taipei.
Katie: Yeah, i’ll just take the bus (wait, suot mo ba ang kwintas na binigay ko? oo nga! WAW! ano ba meron sa iyo at magaganda ang kinikilos mo?!)
Olof: Ok. Oh, you’re wearing the necklace that I gave you.
Katie: Yeah, and it looks nice on me, though I can’t wear it all the time. (yeah i know your reason pero, MASAYA ako kasi sinuot mo in pront op me)
Olof: Yeah, it does look nice on you (ayan na yung order)
Hhmm, ok tong akin ah, Fettuccine in white sauce with onion, bellpepper and tomato strips. Hhmm, sarap. Sa kanya eh parang empanadang malaki, pero di empanada op cors. hehe. nalimutan ko lang ang english term sa inorder nya. Usap habang kumakain. Kain habang usap. Ayan natapos din.
Olof: Let’s go? (sabay hawak sa bill, which in fairness, di abot 600NT$)
Katie: Yeah, let’s go. Do you want to divide the bill? (wat?! tama ba narinig ko?! o may tama lang tenga ko? you’re opering to split the bill? pers taym ulit!)
Olof: Oh no, its ok. Maybe next time. I can handle this one. (oo nga, kaya ko naman. pero salamat na din sa oper mo)
Katie: Ok. Let’s go. (aba, kapit ka ulit sa akin ha, di naman totally malamig dito sa labas)
Lakad papuntang subway. Talk about things para di naman sya mabato. Da usual way paghinahatid ko sya pauwi sa kanyang apartment building. Ayan, subway station na kami. Sakay ng tren. Usap usap abawt lyf at kung anu anong anek anek. Muntikan ko pa di napansin na station na pala nya. Baba sa tren. Lakad ulit, habang usap pa din. Ayan, nakarating din sa door ng apartment building nya.
Olof: Thanks again for the night. This is a memorable one. (oo nga, apter all da things na pinakita mo sa akin)
Katie: Its ok. I had a good time too tonight.
Olof: Ok see you next time, i’ll just call you when i get home.
Katie: Ok, take care.
Olof: Take care too, I love you. (nak ng tinalupang tipaklong! talagang di mawawala ang i lab you na yan bepor magkahiwalay!)
Katie: Ok, I lo………
Plop……
Nyay! Nasira ang imagination nang dumaan ang aking harap ang propesor ko na chekwa! Welcome back to reality Olof! Hay, imagination mo nga naman. Kung saan saan kayo nagpupunta ng utak mo. Pero kam tu tink op it, may posibilidad kaya na mangyari ang naimagine ko? Meron siguro, pero di lahat. Hay… kung anu ano na naiisip ko. Lab na lab ko talaga si Katie. Takbo sya ng takbo sa isip ko, di yata napapagod (korning pick up line yun ah).
But blessing sa atin ang magkaroon ng creativity sa utak natin. It’s what keeps us to push for what we want but also keeps us in check so that we wouldn’t have nervous breakdowns during our failures. Have a life, enjoy life sabi ng iba. Isa lang yan, di katulad ng pusa na 9 ang buhay, kaya maging imaginative ka sa lahat ng bagay. Pero sana nga, sa aking imahinasyon, magkatotoo ang ilan sa mga iyon. Di naman masama mag isip di ba? Kaso mali na naman ang firing ng aking brain cells, pinapagana ang left side ng brain ko, kaya ako napapaisip emotionally, hindi yung right side kaya di ko maayos for stat analysis data ko. Hihi. Yosi at kape lang ito. Ok na lahat.