Tapos na naman ang isang linggo, friday na naman. A lot has happened ngayong linggo na ito. Mula sa kwintas, napunta sa tikoy. And now, here i am writing this down, a bit sober gawa ng 650 mL of a foreign beer. Though if i compare it with da usual pulang kabayo na beer sa pinas, wala itong foreign beer na ito sa kalingkingan ng beer na yun. pero may tama, since nawala yung immunity nang aking bloodstream noong nasa Pinas pa ako. I miss the beer sa Pinas. Ang galing talaga ng brew master ng San Miguel.
I started my drinking career when i was 16. Fourth year ako noon nung unang makatikim ako ng toma. Toma pa ang “in” na word noon gawa ng kanta ng The Teeth. May sarili kasi kaming tambayan noong mga panahon na yun. Lahat nang pangyayari sa buong batch namin, tahimik na saksi ang apat na pader na tambayan namin. Tinawag namin HQ kasi headquarters ng Boy Scout yun (di kasi ako CAT nun, ayaw ni ermats), at ayun, dun ang tambayan ng mga senior sa school. since kami ang hari ng studyante, lahat nagagawa mo sa loob ng apat na pader na yun. Una kong toma ay courtesy of Emperador. Hard pa kami noon since gusto namin tamaan sa murang presyo. mahal ang beer, bitin ka pa kung paisa isa lang. Ayon, dun ko nagustuhan ang pakiramdam kapag may alcohol sa dugo. Pero kaya namin ginagawa yun kasi nakakapag bonding kaming mga magbabarkada. I still remember da moments ng bawat isa sa amin ay nalasing at kung anu ano ang ginagawa. Yung isa, nagsuka sa loob ng HQ. yung isa, lakas nang trip, away kasi sila ng jowa nya. Ako ewan. basta da most daring thing na ginawa ko is pumasok ako sa social studies class namin na tamado. Pay attention ako, para di mahalata na tamado at delikado pag nalaman na pumapasok ako sa klase na lasing (si ermats kasi, teacher din sa kabilang college ng university at kilala talaga ako ng mga propesor).
Umapak ako sa kolehiyo. Op cors, ako’y nakawalang estudyante, pedeng gawin lahat basta kaya mong lusutan. At kasama na doon ang pag inom. Noong pers year ako, di ako umiinom gaano. Pero nung tumuntong ako ng 2nd year hanggang sa makagraduate, isang araw sa bawat linggo na hindi ako lasing. Naaalala ko pa noon ang pinakamatinding hang over ko, anibersaryo kasi ng org ko noon. Inuman to da max, una hard liquor na emperador. noong maubos na, switch to mr. ginebra san miguel with matching grape juice para sa chaser. ayun, gawa ng nagbago ang toma, was na, bagsak ako. dalawang beses ako sumuka. at sa sobrang kalasingan ko, napansin ko na kornik na buo ang sinusuka ko. yun kasi ang pulutan nung nag gin na. kinaumagahan, di ako makakilos gawa ng hang over. langyang gin yan, sinumpa ko talaga. hanggang sa tumanda ako sa aking unibersidad, kapag may nagaaya ng inuman, tinatanong ko agad kung ano ang titirahin. op cors, either emperador o red horse, kasi mga sosyal na nag aaya ng inom. di sila nag gigin.
Apter graduation, op cors kasama talaga sa trabaho ang inom. unang trabaho ko noon sa San Miguel Foods, mga kasama ko na mga senior employees, pala inom din. Pilsen at San Mig Lights ang trip, kaya malumanay ang inom. pero bumabaha sa toma kasi parepareho kaming mga empleyado ng taga gawa ng beer. as usual baguhan sa corporate world, wala akong ideya sa usapan. kaya tahimik lang ako. kaya mas gusto ko pang makipag inuman sa mga farm aides ko kasi sila kahit gin lang, andun naman yung usapan na biruan, tawanan at kung anu anong anek anek na gusto ko kapag inuman.
Di pa doon nagtatapos, pangalawang trabaho ko sa SAGIP sa BML. Noong unang aya sa akin na uminom, ilang araw pa lang ako noon, di ko muna masyado naenjoy kasi baguhan pa lang ako sa lugar. Pero nang lumaon na, nagustuhan ko na. At ako ay nageenjoy sa bawat drinking session. Dito ko naexperience na ang inuman ay isang pangyayari na kung saan na lahat kayo ay parepareho, lahat nakakapag palitan ng kuro kuro, mga saloobin at kung anu ano pa. Biruan, tawanan, palitan nang sakit sa loob sa trabaho, mga problema sa trabaho at da seym tym, pagkakataon mo na makilala ang bawat isa na kaharap mo sa lamesa at may kanya kanya kayong isang bote ng toma. Di ko makakalimutan ang drinking sessions sa BML. May gabi na intellectual na usapan, may gabi na relax lang. hayaan muna ang trabaho. may gabing kasiyahan na kung saan ang lahat ay nagdidiwang sa tagumpay sa buhay ng isang tao (da beer bong by Sasa, i miss dat). doon ko naranasan na ang inuman ay para sa lahat ng kayang uminom. I wud never porget da drinking sessions in BML. enjoy ako sa bawat gabi na may hawak akong isang bote ng toma. walang tutulad sa bawat sandali na kaharap mo ang lahat ng tao at parepareho kayo na nagenjoy sa bawat lagok ng beer.
Agosto ng taong 2007, nagresign ako sa SAGIP project para magaral ulit sa Taiwan. At eto ako sinusulat ngayon ang aking mga nadaanan sa pamamagitan ng drinking sessions. At habang inuubos ko kanina ang natitirang toma sa bote habang nakaharap sa Taipei 101, narealize ko na sa buhay, that we are just passing by to each people that we know and we knew. Pero ang bawat sandali ng pagdaan eh nagdadala ng magandang alaala. Na kung saan, kapag nabigyan ng pagkakataon na madaan ulit tayo sa buhay ng bawat isa, di na tayo magdadalawang isip na sa pagkakataon na yun. at gugustuhin natin na sa lamesa ulit magkakaharap harap na may hawak na bote ng beer at kwentuhan sa nangyayari sa bawat isa. Sana magkaroon ako ulit ng pagkakataon na maulit ang BML days ko. Aasa ako na darating na yun. Pero ngayon, tiis muna, kahit BITIN ako sa beer….. huhuhu…… padala kayo beer sa akin please… la kwenta beer dito….
yey! mg-comment daw! pers taym….
Saya det! Walang tatalo sa inuman sa BML, hahaha!
By: rona on January 20, 2008
at 9:57 pm