27 March 2008
Dear Katie,
Hi! Kamusta?? Sana naiintindihan mo itong sulat ko na ito sa iyo, sana rin maipadala ko sa iyo ito. Well anyway, I hope you had a blessed day today since kaarawan mo ngayon.
Well kaya ako napasulat sa iyo kasi, medyo bad trip ako sa nangyari kanina. Kahapon lang eh maganda usapan natin, naramdaman mo na naman na weird ako, kasi sabi mo sa tuwing magkasama tayo eh bakit di ko hinahawakan kamay mo, ni hug man lang wala, nasabi mo tuloy na parang di mo ako boypren. Gulat ako sa sinabi mo, pero ako naman, nasabi ko naman sa iyo dahilan na I assumed that you’re a conservative girl, na baka pag hinawakan ko kamay mo habang naglalakad tayo eh magalit ka at pahiya lang abutin ko. Saka isa pa, may breeding din naman ako, na di ako basta basta hawak ng hawak sa kamay ng babae or akbay ng akbay dahil I was raised as a gentleman by my mom. Kaya ayun, pero sinabi ko naman na sa susunod eh gagawin ko gusto mo.
Tinanong mo din kahapon kung may surprise ba ako para sa birthday mo, sabi ko wala pero ang totoo, di pa buo ang isip ko. 50-50 ang chances kaya di ako nakapag sabi ng tapos. Then you invited me sa Sabado to spend time with you, which I gladly accepted naman and which I also want para makapag tuos at makapag tapatan tayo. Quality time as they say.
Tapos eto ngayon, since kaninang umaga, pagkagising ko, tinawagan kita para i-greet kita ng Happy Birthday. Ayun, sa palagay ko ok naman pakiramdam mo nung ginreet kita. Tapos lumipas ang buong araw, tinawagan kita ulit, sabi ko gusto kita makasama mamayang gabi, kahit kwentuhan lang tayo, just as you wanted. Pumayag ka naman.
Ayun, before ako pumunta sa lugar mo, dumaan muna ako sa isang bake shoppe which I know classy naman. I bought a chocolate cake para sa iyo, plus 1 candle na rin. Ayun, byahe ako 30 minutes papunta sa place mo, then nung malapit na ako, tinawagan kita, sabi mo wala ka sa apartment mo, which ako naman, ok lang, sige lang, kaya ko naman magantay. Antay naman ako sa iyo hanggang sa makauwi ka, lakad ako dito at doon, exploring the area. 2 hours so ok lang, alam ko naman na patience is a virtue para sa akin ngayong araw na ito since birthday mo naman.
After 2 hours, dumating ka naman, nauna ka nang umakyat sa floor mo, so ako sunod ako, 6 floors, hagdanan lang, walang elevator. This time, 40% na akong nababanas kasi malinaw ang usapan natin na magkikita tayo kaso sa di ko malaman na dahilan, biglang naiba ang takbo ng usapan natin, 2 hours ako nagantay sa iyo.
Nang magkita tayo, greet kita ulit, kasi gusto ko iparamdam sa iyo na kahit naiba usapan natin eh mahal pa rin kita at di ko kayang magalit. Tapos ayun, binigay ko yung cake na cute na binili ko for you, tapos saka mo sinabi na magshashower ka kasi busy ka and di mo na ako maeentertain. I tried to tell you na antayin kita na matapos sa shower pero pinagpilitan mo na magiging busy ka at di mo na ako maeentertain. So ayun, nung naprocess na nang utak ko sinabi mo, sinabi ko na lang na uwi na lang ako, at kinonfirm ko ang ating date sa sabado.
Pababa ng hagdanan, di ko maiexplain ang nararamdaman ko sa ginawa mo, either frustrated, galit or whatever, kaya yung kawawang pader na lang ang nasusuntok ko habang pababa ako sa hagdanan para lang mapaglabasan ng sakit ng loob.
I wished na sana nakita ko na you would blow the candle sa cute cake na binigay ko. Sana nakapagusap din tayo ng matagal, naparamdam ko sa iyo na andito ako, tulad ng sinasabi mo na gusto mo ako maramdaman. Eto, pinaparamdam ko ang presence ko sa iyo pero pinalayas mo ako. Di ko tuloy maintindihan kung hanggang saan at kung hanggang kelan ko titiisin ang sakit sa loob na nagagawa mo. Gusto ko man umiyak kanina, di ko magawa.
Sana Katie, maramdaman mo na tao ako, na nasasaktan ako at may emotion ako bilang iyong boypren. Kahit theoretical man ang ating relationship, eh kahit papaano gusto ko pa rin iparamdam na maayos akong boypren, na nirerespeto kita kahit na ano mangyari. Ayaw kong humantong sa part na mawawalan na ako ng respeto sa iyo kasi sa pinaggagawa mo. Kung meron mang tao na tutulong sa akin at magbibigay ng testimony kung sino ako, yung taong tutulong sa akin na magsasabi sa iyo kung ano katauhan ko, laking pasasalamat ko sa taong iyon. Pero I think, walang makakapagsabi ng ganun para sa akin.
Well, sana naenjoy mo ang birthday mo ngayon araw na ito at may God bless you more this year. Kahit ano mangyari, I’ll do my best to show my love for you. Pero sana, maintindihan mo at maging sensitive ka kahit kaunti sa mga bagay bagay. Dito ko lang mailabas ang sakit ng loob ko sa iyo, patawarin mo ako kung meron man ako kasalanan na di ko sinasadya na magawa. Pero, as much as possible, gusto ko magawa mga gusto mo. Sana, maintindihan mo ang makakaya ko. Sana dumating din ang oras na iyon. Sana….
Love you always,
Olof