Anong oras na, lapit na mag alas dose at andito pa ako sa lab namin. Well ok lang. I will not be here ng ganitong oras without a reason. Probably una, tinatamad pa ako umuwi. Pangalawa, I am numb.
Numb kasi may ginawa si Katie ulit na di ko malaman kung ano mararamdaman ko ngayon kasi numb ako. From my last post, I said there that me and Katie have a date this Saturday which she is the one who set up the date. For some reasons, I looked forward to it since I do need to spend some quality time with her.
So Saturday today, the day that I am anticipating. I called her at lunch time to confirm ang date namin. I said that I’ll be in her place at 5 pm. I went by my routine, did processing on my experiment till 4 pm. Then after I processed one batch of my samples for my thesis, I went na to her place.
When I came there, tinawagan ko sya, una di na naman sinasagot, so I assumed na baka nagshashower or something. So I tried the 10 minute interval of my calls. Then after 30 minutes, ayun sinagot na. Sinabi ko na andito na ako sa lugar mo, sabay sabi nya “I’m not there. I’m out for shopping….” (Langya naman, eto na simula ng kaeklatan na naman sa buhay ko nasa isip ko kanina) Tapos tinanong ko agad kung anong oras sya makakabalik, sabi nya maybe 1 hour, so sabi ko antayin ko na sya (bilang isang lalaki na gusto ipakita na mahal ko sya, pumayag ako).
Ayun, sinet ko ang aking timer sa phone ng 1 hour and 30 minutes. Bigay ako allowance ng 30 minutes since alam ko naman ang likaw ng bituka ng babaeng yun. Lumipas ang isa’t kalahating oras, tumunog ang timer ko sa cellphone, wala pa rin sya. Sinet ko ulit for another 1 hour and 30 minutes. Then unexpectedly, lumipas ang isa’t kalahating oras, wala pa rin sya. Walang hiya!!!! 4 na oras ako nag antay sa kanya di ako sinipot! PUTANG INA!!!!! (dito ako maglalabas ng sakit ng loob, di ko magawa in actual) This is the first time na may gumawa sa akin na nagpaputi sa aking mga mata! Up until now that I am writing this, tinatawagan ko cellphone nya, di nya sinasagot. Ano kaya naisipan ng babae na yun.
Kaya ayun, umuwi akong luhaan. 10.30 na ako nakabalik dito sa lab namin. Di ko malaman kung ano mararamdaman ko. I really plan to quit on her na. Sa lahat ng ayaw ko is magseset ng lakad at pinapupunta ako tapos wala yung nagset ng lakad? I really hate those kind of people na walang isang salita. Ang usapan ay usapan. At sa pagkakaalam ko eh ang mga Asian na oriental ang origin (chinese at japanese) eh strikto sa oras. Pero itong babae na ito eh walang isang salita. And this time, I ran out of respect to her na. Twice is too much na para sa akin. I already suffered. My patience has already reached its peak so no more respect for this kind of girl. But of course, I need to say to her muna ang mga hinanakit ko. Lugi ako kapag di ako nakaresbak kahit sa chat lang. Kahit na mag sorry sya, di ko pagbibigyan not unless she can prove that she’s really and totally sorry sa ginawa nya.
I’m already fucking tired of this. I think talaga I am really played out. According to one of her friends, she’s always out for dates with other guys, which I need to confirm pa (another reason why I should confront her na). I am really running out of respect for her na. Humahantong na sa punto na ayaw ko na mangyari. Pero I think its enough na that I played Mr. Nice Guy to her. Maybe its time for me to show something new sa kanya. Gusto ko ipakita yung isang side ko, yung galit ko na naipon, na gawa ng mga sitwasyon na nakuha kong palipasin since wala ako karapatan magalit at iniintindi ko siya. Its time for me to move on, once everything is talked to her (of course, may diplomasya pa rin na involved, pero kung ayaw talaga, giyera patani na ito).
Still, I am wondering ano ba talaga purpose ni Papa God kung bakit ako nagtyatyaga kay Katie. Nagtitiis sa mga pinaggagawa nya sa akin. Di ko talaga maisip. I hope that everything will be clear sa mga susunod na araw.
Sa nangyari ngayong araw na ito, tuluyang lungkot na naman ang aabutin ko. I already miss the people around me sa Pinas, at eto pa nangyari sa akin. Broken hearted na naman. Tsk. Its really time to retaliate. SUGOOOOOODDDDDDDDD!!!!!!!!!!!